Marc Logan - Biro Ng Tadhana lyrics

Ang mga pagkakataon kami ay nagtatanong

Bakit lagi na lang nasusuong sa matinding mga paghamon

At di ba't kadalasan kapag di mo na makayanan

Pagsubok na sumusukat sa iyong katatagan

Biro lang daw, biro lang daw

Biro lang daw ng tadhana

Biro nga ba ng tadhana na ako'y iwan mo ina

Biro nga ba ng tadhana na mabitawan mo ako ama

Ang mawalan ng tahanan

Biro nga ba ng tadhana


Anumang pagsubok ang dumaan

Manalig ka't ito'y ating malalagpasan

Basta't tulong-tulong tayo ay aahon

Sabay sabay na babangon

Haharapin ang hamon


Pag sama-sama ay kayang-kaya

Ganyan ang iisang KAPAMILYA

Sa harap ng bawat trehedya

Tumibay ang pananampalataya

Sama-sama, kayang kaya

Iisa tayong KAPAMILYA


Ama, ina, anak, kapatid

Kami'y iyong aming batid

Tibayin ang iyong pananalig

Si Bro ay laging nakikinig

Pagka gayo'y di mababatid

Sa iyo ay mayroong sasagip

Pagmamahal at kalinga ihahagip


Anumang pagsubok ang dumaan

Manalig ka't ito'y ating malalagpasan

Basta't tulong-tulong tayo ay aahon

Sabay sabay na babangon

Haharapin ang hamon


Pag sama-sama ay kayang-kaya

Ganyan ang iisang KAPAMILYA

Sa harap ng bawat trahedya

Tumibay ang pananampalataya

Sama-sama, kayang kaya

Iisa tayong KAPAMILYA






No comments:

Post a Comment