Jose And Wally - Askal lyrics

Awooooooo... awooooooo...

Awooooooo... awooooooo...

Wala lang, wala, ako'y walang wala

Palaboy sa daan, homeless talaga

Kung minsan ako'y napagkakamalan

Isang taong masama walang silbi sa lipunan


Ngunit kung tutuusin may pakinabang din ako

Bilang isang aktor sa CCTV ninyo

Huwag kag mag-alala dahil mabait ako

Nang dahil sa akin may girlfriend na sa inyo


Awooooooo... awooooooo...

Awooooooo... awooooooo...


Wala lang, wala, wala, walang aray

Wala lang magawa, loveless talaga

Wala rin, wala, walang madaratnan

Pag-uwi ko sa aking tagpi-tagping higaan


Ngunit nung napansin kita nag-sing-along nang mag-isa

Agad mong nahuli ang aking panlasa

Napahanga mo itong puso kong nalulumbay

Ang problema nga lang diyan parang di tayo bagay


Awooooooo... awooooooo...

Awooooooo... awooooooo...


Nakaporma na raw lahat ang buhay sa mundong ito

Pumili ka na lang kung ano ang gusto mo

Mayroong pusong mamon, meron ding pusong bato

Mmay halik Hudas at meron ding ngiting aso


Ohhh... (grrrr...)


Wala lang, wala, wala, walang aray

Wala lang magawa, jobless talaga

Wala rin, wala, walang mapapala

Papaano kita makukuha, wala namang ginagawa


Para bang asong ulol lagi nna lang kumakahol

Nangangarap na kagatin ang bilog na buwan

Papaano matutupad, pangarap ko'y lumilipad

Kung askal lang ako at isang kapus-palad


Awooooooo... awooooooo...

Awooooooo... awooooooo... (walang, walang-wala)


Awooooooo... awooooooo... (walang, walang-wala)

Awooooooo... awooooooo... (walang, walang-wala)






No comments:

Post a Comment