Johnmar Aquino - Anak Ng Pasig lyrics

Ako'y umusbong sa tabi ng Pasig

Nagisnan ang ilog na itim ang tubig

Lumaking paligid ng bundok na umuusok

Langhap na langhap ang amoy ng basurang bulok

Ito ang buhay ng anak ng Pasig

Pa-swimming swimming sa itim na tubig

Playground lang ang bundok ng basura mo

Musika'y ugong ng kotse at bangka n'yo


Anak ng Pasig naman kayo

Kalat doon, kalat dito

Natakpan na ang langit kong ito

Nilason din ang Ilog ko


Akala ko'y ganoon talaga ang mundo

Hanggang nakakita ako ng lumang litrato

Di maniwalang Pasig din ang tinitignan ko

Kaibigan ano ang nangyari dito

(Anong nangyari? Anong nangyari?)


Anak ng Pasig naman kayo

Kalat doon, kalat dito

Natakpan na ang langit kong ito

Nilason din ang Ilog ko


Anak ng Pasig naman kayo

Tapon doon, tapon dito

Di n'yo alam ang tinatapon n'yo

Ay bukas ko at ng buong mundo


Huli na ba ang lahat

Patay na ba ang ilog at dagat

Kapag Pasig ay pinabayaan

Parang bukas ang tinalikuran


Anak ng Pasig naman kayo

Kalat doon, kalat dito

Natakpan na ang langit kong ito

Nilason din ang Ilog ko


Anak ng Pasig naman kayo

Tapon doon, tapon dito

Di n'yo alam ang tinatapon n'yo

Ay bukas ko at ng buong mundo


Anak ng Pasig naman kayo

May bukas pa ang ating mundo.






No comments:

Post a Comment