Kilos - Basta't Masaya Ka lyrics

Konti na lang

Bababa na ako sa sasakyan

Iniwan ko na ang lungkot at tampo

'Di pwedeng makita sa 'yo

Ika'y tanaw ko na malapit na

Mabigat man sa damdamin

Ay aking pipilitin

Na hindi pumikit at sambitin

Ang mga salitang sa 'yo'y magmumula


Kahit anong mangyari

Iisipin ko na lang na tayo'y

Sa ilalim na parehong bituin

Kahit nag-iisa, basta't masaya ka

Ako'y masaya na


Konti na lang malapit na

Nakakatakot man isipin

Na bukas wala ka na

Sa pagpikit pakinggan

Ang mga salitang sa 'yo'y nagmumula


Kahit anong mangyari

Iisipin ko na lang na tayo'y

Sa ilalim na parehong bituin

Kahit nag-iisa, basta't masaya ka

Ako'y masaya na


Konti na lang malaya na ako

Anong silbi ng may pakpak

Kung bihag mo ako

Alam ko na kahit kahapon pa

Na iiwan mo ako pero para sa 'yo


Kahit walang nangyari

Iisipin ko na lang na tayo'y

Sa ilalim ng parehong bituin

Kahit nag-iisa, basta't masaya ka

Ako'y masaya na


Kahit nag-iisa, basta't masaya ka...






No comments:

Post a Comment